Claro Mel Ventura
11:44am Jul 30
ANG PAGBIBINTANG SA FACEBOOK, TWITTER O IBA PANG SOCIAL NETWORKING SITES SA ISANG INOSENTENG TAO NA GUMAWA SIYA NG ISANG KRIMEN AY ISANG KRIMEN NA MAY PARUSANG KULONG:
Alam nyo ba na ang post, comment o twit na may pagbibintang sa isang inosenteng tao na gumawa siya ng isang krimen sa Facebook, Twitter o iba pang social networking sites o internet ay isang krimen na kung tawagin ay "incriminating innocent person". Ang nasabing post, comment o twit ay isang electronic evidence na tinatanggap na sa korte bilang ebidensiya at pwede na itong magamit laban sa taong nagpost nito sa internet.
Ayon sa Revised Penal Code, Article 363, Incriminating innocent person", ang sinumang tao, not constituting perjury, na direktang pinagbintangan o isinama ang isang inosenteng tao sa paggawa ng isang krimen ay may parusang pagkakakulong na arresto menor (1 day - 30 days).
Kung gusto nyo magtanong ukol sa krimen na incriminating innocent person or electronic evidence register at my website at www.e-lawyersonline.com.
0 comments