Marami pong salamat sa mga nakadalo sa monthly meeting kanina lamang sa Jollibee marami rin po kaming napag usapan pero ang pinakamagandang topic namin kanina ay ang tungkol sa ating 36th ANOversary kasi po ay 2 meetings na lang ay August na agad, advance info lang po sa inyo, ang okasyon na iyon ay idaraos sa Aug. 25, 2012 sapagkat iyon ay araw ng sabado at overnight po sa isang private resort sa San Pedro, Laguna ang meeting time ay 7:00 am at ang jump off time ay 8:00 am, hahanap po ako ng maaarkila na service jeep at magkikita po tayo sa Pasay City Sports Complex dapat po ay on time ang pagdating duon para hindi kayo maiwanan ng service jeep at kung maiwanan kayo ay sumunod na lamang kayo dahil maghapon naman at magdamag ang ating okasyon ang kontribusyon naman po ay 500.00 si Bro. John Russ Aurelio ay nagpledge na agad ng isang lechon baboy at tila nag pledge din si Bro. Noli Subingsubing ng isang kambing at kaarawan niya ang araw na iyon, inaanyayahan ko kayo na sumama sa pagdiriwang na ito at ito ay minsan lamang saiisang taon
|
0 comments